(Local Government Code pinaaamyendahan sa Senado) DAGDAG NA POWER SA LGUs VS TRAPIK

TRAPIK

DAHIL sa patuloy na paglala ng daloy ng trapiko sa bansa, nais ni Senador Francis Tolentino na amyendahan ang Local Government Code o RA 7160 para mabigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Local Government Units (LGUs) para masolusyunan ang isyu ng trapiko sa kanilang nasasakupan.

Ito ang nakapaloob sa inihaing Senate Bill bilang 1012 ni Tolentino,  tinatawag na “LGU Transportation Act of 2019” na kung saan ay magka-karoon ng kakayahan ang mga LGU na gumawa ng sarili nilang transport system upang maibasan ang matinding problema sa trapiko.

“By expanding their functions and capabilities, the proposed bill gives the HUCs the power to obtain loans, grants and capital investments and to enter into partnerships and joint ventures with public and private institutions. This will enable them to conceptualize, establish, operate and maintain transport systems for the achievement of sustainable traffic solutions and mobility similar to best practices in other countries,” ani Tolentino sa ginanap na pagdinig kahapon ng Senate Committee on Local Government na pinamumunuan nito.

Kaya’t anang senador, dapat suportahan ang plano ng siyudad ng Makati na magtayo ng sariling subway system at monorail naman sa Manila dahil malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa bansa.

“Bigyan natin ng pagkakataon ang creativity ng local officials natin na tugunan ang problema sa trapiko sa level nila madalas kasi may mga problema na kaya naman solusyunan sa level pa lang ng LGU, malaki ang maitutulong nito para tuldukan na ang trapik sa bansa,” giit ni Tolentino.

Naniniwala ang senador na malaki rin umano ang maitutulong ng mga pamahalaan kung mabibigyan ng karagdagang kapangyarihan para mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto partikular sa isyu ng trapiko sa Metro Manila.      VICKY CERVALES

Comments are closed.