NITONG mga unang linggo ng Abril, nagsagawa ng pagdinig ang Senado bilang Committee of the Whole sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto. Nag-pokus ang pagdinig sa African Swine Fever o ASF na panganib ngayon hindi lamang sa industriya ng babuyan kundi maging sa seguridad ng ating pagkain.
Sa pagdinig nating ‘yan, nabigyang-diin ang laki ng problema sa ASF outbreak. Nariyan ang biglang pagsirit ng halaga ng baboy sa mga palengke bilang reaksiyon sa kakulangan ng suplay; ang pagpapataw ng gobyerno ng price cap sa halaga ng mga karne ng baboy at ang pagbagsak ng kabuuan ng swine inventory ng hanggang 24 porsiyento kumpara sa nakaraang taon. Dahil dito, 68,000 hog owners sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ang lubhang apektado ng krisis na ito.
Nakababahala ang pahayag ng Department of Agiculture (DA) na posibleng magkulang ng hanggang 380,000 metriko tonelada ang pork supply ngayong taon. Iyan din ang pangunahing dahilan ng ahensiya kung kaya inirerekomenda nila ang pagpapababa sa tariff rates ng imported pork sa 5%-15% mula sa 30%-40%, at ang pagpapataas sa minimum access volume (MAV) mula 54,000 metric tons at gawing 400,000 MT.
Bagaman ito ang nakikitang solusyon ng DA, ikinadismaya naman ito ng ating mga local hog producer. Sabi nila, kung susundin ang suhestiyon ng DA, malinaw na pagpabor ito sa importers at pagbalewala naman sa kanila. Tinamaan na nga raw sila ng matinding epekto ng ASF, apektado na nga rin daw ang kanilang hanapbuhay ng pandemya, babalewalain pa sila ng DA.
At sa layuning mapangalagaan naman ang interes ng ating mga lokal na hog raisers, isang resolusyon ang binuo ng Senado sa naturang pagdinig na humihimok kay Pangulong Duterte na bawiin ang Executive Order 128. Layunin kasi ng EO na iyan na babaan ang taripa sa mga imported na karne ng baboy. Kabilang din sa resolusyon ang rekomedasyong itaas ang MAV o ang minimum access volume.
Kung iniisip ng iba na simpleng problema lang ang ASF, hindi po tayo aayon diyan. Katunayan, sa isang position paper ni Dr. Roehlano Briones ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), sinabi niya na parang naiipit sa dalawang nag-uumupugang bato ang industriya ng babuyan – maaari naman aniyang tanggapin ang pansamantalang pagpapatupad ng mataas na presyo sa mga domestic supply para mabilis na makabawi ang industriya, o kaya naman ay umayon silang babaan ang presyo para sa kapakanan ng mga consumer pero maaari itong maging dahilan upang hindi agad makarekober sa krisis ang pork industry.
Bukod diyan, may pagtatalo pa rin sa pagitan naman ng NEDA at ng ilang sektor kaugnay sa pagpapababa ng taripa.
Ayon kasi sa NEDA, mahalaga ang pagpapababa sa tariff rates at pagpapataas sa MAV dahil 95 milyong pork consumers ang makikinabang dito. Masosolusyonan din nito ang deficit at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.
Sa argumento naman ng ilang sektor, ang sistemang nais ng NEDA ay makapapabagal lang lalo sa pagbangon ng local hog industry at hindi pa rin naman nito kayang makipagsabayan sa halaga ng imported pork.
Sinabi rin ni dating Congressman Nicanor Briones na opisyal ngayon ng Pork Producers Federation of the Philippines, na anumang pagbabago sa halaga ng taripa at sa MAV ay posibleng ikalugi sa kita ng gobyerno ng hanggang P13 bilyon. Napakalaking halaga, ayon kay Briones, na puwede nang itulong ng gobyerno sa local producers.
Sa nasabi pong pagdinig, nabanggit natin ang mga bansang Denmark, the Netherlands, at ang Belgium. Diyan po sa mga bansang ‘yan tayo nag-i-import ng baboy. Mas maliit lang ang arable lands nila pero nagawa nilang mapalakas ang kani-kanilang agrikultura.
Ang Netherlands, kumpara sa Filipinas, ay napakaliit na bansa, pero siya ang pangalawa sa mga bansa sa buong mundo na pinakamalaking agricultural exporter.
Ang Filipinas ay highly agricultural kaya sana, maging produktibo rin tayo katulad nila.
Kumpara sa ibang mga bansa sa ASEAN, napakababa ng productivity natin. Noong 2016, kumpara sa mga bansang Thailand, Indonesia, Malaysia at Vietnam, ang Filipinas lang ang nakapagtala ng trade deficit na $5.1B sa food exports at may napakataas na food imports na $11B.
Dapat, isa sa mga kailangang atupagin ng DA ngayon ay ang mabawasan ang pagdepende natin masyado sa foreign food producers. Pagtuunan nila ng pondo at pansin ang pagpapalakas sa lokal na agrikultura. Siguruhin nila na nagagamit sa tamang paraan ang taunang budget na ibinibigay sa kanila sa ilalim ng annual budget. Pondohan din nila ang research and development para masigurong may ilalakas at iuunlad pa ang ating agrikultura.
646565 812083What a superb viewpoint, nonetheless is just not produce every sence by any indicates discussing this mather. Just about any technique thanks and also i had try and discuss your post directly into delicius but it surely appears to be an issue inside your blogging is it possible you should recheck this. thank you just as before. 952029
584080 901136Housing a different movement in a genuine case or re-dialed model. 623932
866017 362601This weblog genuinely is great. How was it created ? 370002