NAKAHANDA ang National Dairy Authority (NDA) na palakasin ang local milk production sa bansa.
Ginawa ni NDA Administrator Gabriel Lagamayo ang pahayag sa 28th anniversary celebration ng ahensiya na may mandatong isulong ang “profitable, competitive, at sustainable dairy industry.”
Ayon sa NDA, ang local milk production ay nasa 1 percent sa domestic market.
Kasabay nito ay nagpasalamat si Lagamayo sa pamahalaan at pribadong sektor habang inaasahan ang pagtaas ng milk production sa bansa.
Aniya, target ng ahensiya na mapataas ang produksiyon ng limang beses sa susunod na tatlo o limang taon.
Naniniwala si Lagamayo na ang pagdadala ng dekalidad na baka ay makatutulong sa paglutas sa problema ng local milk supply at kasabay nito ay mapatatag ang presyo para maging kumpetitibo kumpara sa mga imported na gatas.
“The plan now is to bring in animals and to manage them in our stock farms na ide-develop, and those stock farms we will produce the animals that we will distribute to the farmers,” ani Lagamayo.