LOCAL MSMEs EYE $26 MILLION EXPORT SALES IN 15TH CHINA-ASEAN EXPO

Usec Nora Terrado

NASA 100 micro, small and medium enterprises (MSMEs) na bumubuo sa Philippine delegation, na pinangunahan ng Department of Trade and Industry-Center for International Trade Expositions and Missions (DTI-Citem), ang gustong mapasok ang  Chinese at Southeast Asian markets at makakuha ng kahit  $26 million sa export sales, sa pagsali nila sa 15th China-Asean Expo (CAEXPO), mula Setyembre 12-15, na gaganapin sa Nanning International Convention and Exhibition Center sa Guangxi, China.

Ayon kay DTI Undersecretary for Trade and Investments Promotion Group (TIPG) Nora K. Terrado, ito ay mas malaki at mas agresibong representasyon ng bansa sa apat na araw na pagtitipon sa pagsusulong ng gobyerno ng kanilang pagsisikap para maitaas ang pakikipag-ugnayang pang-ekonomiya sa China, ang kapwa miyembrong estado sa Association of Southeast Asian Nations (Asean), at iba pang partner regions.

Bilang pangalawa sa pinakamalaking trade event sa China, ang CAEXPO ay may total na exhibition space ng nasa  80,000 square meters at 4,600 exhibition booths, na may 57,000 international participants.

Bibigyang-importansiya ng mga kinatawan ng bansa sa China ang  potensiyal ng Philippines’ trade sa pamamagitan ng mga display ng mga produkto at mga kakailanganin na ga­ling sa iba’t ibang sektor kasama ang pang-tahanan, fashion at mga suotin, pang-regalo, handicrafts, personal care, at pagkain.

“Together with our partners, we are confident that we can emulate last year’s success as we look to elevate Philippines’ position as a source for high-quality products and services, as well as a premier tourism destination. This is also an opportunity to show our goodwill to our economic partners in China and other Asian neighbors,” sabi niya.

Dadalhin din ng DTI-Citem sa spotlight ang cultural tourism at investment priority areas ng pro­binsiya ng Tarlac bilang pagkapili ngayong taon sa kanila bilang “Province of Charm.”

“Returning to CAEXPO is part of the government’s strategic plan to open more areas of cooperation between Philippines and China that will continuously elevate both country’s bilateral relations onto new greater heights,” pansin ni Terrado na siya ring OIC ng Citem.

Ang trade fair ay nag-iisang okasyon sa rehiyon na nagtataguyod ng China-Asean Free Trade Area (CAFTA) at nagdiriwang ng regional economic and trade cooperation.

Ang milestone edition ng show ay ang pag-iimbita sa lahat ng mga lider ng bansa sa Asean na maging bahagi ng Commemorative Summit sa programa.

Magpopokus ito sa partnership sa pagitan ng  Asean at China sa pagtatayo ng China-led Silk Road Economic Belt and 21st-Century Maritime Silk Road.

Sa pamamagitan ng Silk Road, ang pinaka-populated nation in the world ay nakatuon sa pag-bolster ng kanilang puhunan sa  Asean countries at magbigay ng infrastructure networks lalo na sa  MSMEs para sumali sa pandaigdigang value chain.

Umaasa rin ito na palalakasin ang kooperasyon para sa Asean-led Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang trade pact ng mga economic bloc kasama ang kanilang six-dialogue partners na kasama ang China.

Para sa Filipinas, ang okasyong ito ay importante dahil ito ay makapagbibigay ng access sa iba’t ibang oportunidad para sa trade at investments sa pa­tuloy na paglawak ng economic expansion kasama ang kanilang Belt at Road Initiative.

Higit pa rito, ito ay nagsisilbing platform para ipakita ng bansa bilang viable source ng de kalidad na produkto at serbisyo at para itaguyod ang goodwill sa gobyerno ng China sa iba’t ibang level—trade, tourism, at investment promotions.

Ang China ang top trading partner ng Filipinas noong nagdaang taon, na may total na bilateral trade sa halagang $23.82 bilyon, o $1.92 bilyon mataas sa $21.9 bilyon na naitala noong  2016.

Export-wise, nagmarka noong 2017 sa unang pagkakataon na ang bansa ay nakapag-angkat sa China ng halagang $8 milyon. Ito ay dahilan sa alokasyon galing China para sa ilang local investors, kasunod ng magandang  pakikipagrelasyon sa pagitan ng Manila at Beijing.

Nagrekord din ang Filipinas ng 50 porsiyentong paglago sa fruit exports noong nagdaang taon, lalo na ang saging at pinya, sa China mula noong tanggalin ang ban dito dalawang taon na ang nakararaan.

Noong Abril, bumisitang muli si President Rodrigo Duterte sa China para sa Boao Forum for Asia at nagdala ng $9.8 billion halaga ng investments na puwedeng makapag-generate ng 10,000 trabaho para sa mga Filipino.

“These milestones have made Philippine companies in the food and other sectors bullish on the renewed prospects in the Philippine-China trade,” ani Terrado.

“Beyond export sales, we want our MSMEs to benchmark themselves and appreciate the opportunities in the Chinese market wherein there is an overwhelming demand for healthy foods, marine products, fresh fruits and intermediate goods,” dagdag niya.

Sa pangunguna ng DTI-Citem, ang partner agencies na sumusuporta sa Philippine delegation ngayong taon ay kinabibilangan ng Provincial Government of Tarlac, Philippine Trade and Investment Center in Guangzhou, DTI-Export Marketing Bureau, DTI-Bureau of Domestic Trade Promotions, DTI-Regional Operations Group, Board of Investments, the Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Service, and the country’s Tourism Promotions Board.

Noong nagdaang taon,  42 lokal na kompanya ang kumatawan sa bansa noong 2017 CAEXPO. Sa  pagkakaisa nila, nakapag-generate sila ng $37.94 million export sales galing sa 4,076 buyers. Ito ay higit pa sa six-fold kompara sa $6.747 milyon noong  2016.

Nakakuha rin sila ng tatlong major awards, kasama ang “Best City of Charm Pavilion,” “Best Promotion on Investment Cooperation,” at “Best Trade Visitor Organizer”.  RODERICK ABAD

Comments are closed.