MATAPOS magkaroon ng political unification sa lalawigan ng Masbate nitong mga nakalipas na buwan, pormal na nanumpa sa partidong Lakas CMD na pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co ang mayorya ng mga alkalde at Sangguniang Panlalawigan members kasama si Governor Antonio Kho nitong Miyekules, Setyembre 11.
Si Governor Kho kasama ang 12 miyembro ng provincial board at 19 municipal mayors ng lalawigan ay nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD sa harap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Romualdez Hall ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Gayundin si dating Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo at 14 na mga alkalde ng lalawigan ay nanumpa rin bilang mga bagong miyembro ng partido sa parehong okasyon.
“We welcome all of you to Lakas-CMD. We look forward to working with you to achieve our common aspiration of meaningful and inclusive progress for our country in line with the vision of President Ferdinand R. Marcos, Jr. under Bagong Pilipinas” sabi ni Speaker Romualdez.
“Your decision to join our party manifests our shared commitment to serving the Filipino people with integrity, dedication, and unity,” dagdag nito.
Kasama ni Kho sa panunumpa ang mga board members na sina Sotero Cantela, Alfredo Alim, Rey Noel Amante, Kris Espinosa, Teddy Danao, George Gonzales, Allan Lepasana, Rudy Alvarez, Nilda Tinegra, Laurian Sia, Hannah Gonzales at Eric Castillo.
Kabilang din ang mga mayor ng iba’t-ibang bayan ng lalawigan na sina Fernando Talisic (Esperanza), Mark Antonio (Pio V. Corpus), Eusebio Dumoran Jr. (Placer), Edgar Condor (Cawayan), Felipe Cabatana (Cataingan), Roscelle Eramiz (Palanas), Michael Demph Naga (Dimasalang), Felipe Sanchez (Uson), Raymundo Salvacion (Mobo), Natividad Magbalon (Milagros), Marites Dela Rosa (Baleno), Arturo Virtucio (Aroroy), Kristine Hao-Kho (Mandaon), Rodolfo Estrella (Balud), Zacarina Lazaro (San Pascual), Froilan Andueza (Claveria), Glenda Villa Hermosa (Monreal), Francisco Altarejos (San Jacinto) at Byron Bravo (San Fernando).
Dumalo rin ang mga bagong miyembro ng partido na mga aspirante sa iba’t-ibang lokal na posisyon na kinabibilangan nina Marco Cam, Ansbert Son, dating Governor Vicente Homer Revil at Konsehal Arturo Virtucio II ng Aroroy.
Naroon din sa okasyon sina 1st, 2nd at 3rd District Reps. Ara Olga Kho, Wilton Kho at Richard Kho na nauna ng naging kapartido ng Speaker.
Si dating Rep. Dimaporo ay kasama sa panunumpa ang mga mayor na sina Maminta “Mighty” S. Dimakuta (Tagoloan), Ali Hanifa Palao (Balo-i), Randy J. Macapil (Linamon), Jaber M. Azis (Matungao), Judith V. Miquiabas (Bacolod), Motalib M. Dimaporo (Sultan Naga Dimaporo), Angel L. Yap (Lala), Racma D. Andamama (Munai), Haron Omar Sr. (Magsaysay), Muslima T. Macol (Poona Piagapo), Paruk Asis (Sapad), Barry Y. Baguio (Kapatagan), Marcos M. Mamay (Nunungan) at Sittie-Aisah M. Tomawis-Adiong (Tangcal).
Samantala, 33 lokal na opisyal at aspirante ng Lanao Del Norte ay nanumpa rin sa naturang partido.
Nanumpa rin ang aktor na si Roi Vinzon mula sa 1st District ng Benguet sa Lakas-CMD.
RUBEN FUENTES