‘LOCAL STARTUP COMPANY’, TUTULONG SA PASIG RIVER REHAB

PASIG RIVER

NAG-ALOK ng libreng serbisyo o tulong sa pamahalaan ang isang ‘local cryptocurrency startup company’ para sa rehabilitasyon at paglilinis ng 27 kilometer long Pasig River gamit ang makabagong teknolohiya partikular ang tinatawag na ‘Blockchain” at ang Internet-of-Things (IoT).

Ayon kay Filipino entrepreneur at environmentalist Mariano Jose Diaz Villafuerte IV, chief executive officer ng information technology tech startup CypherOdin Inc. at cryptocurrency BOTcoin, plano nilang maglagay ng IoT devices sa naturang ilog kabilang sa mismong ilalim para ma-monitor ang kalidad ng tubig nito at makakuha rin ng iba pang mahahalagang data.

Sa pamamagitan naman ng IoT sensors, malalaman ang dami ng iba’t ibang klase ng mga basura kabilang ang plastic na nasa Pasig River at masusukat ang tunay na lalim nito kasama na ang taas ng naimbak na dumi at lupa sa river bed.

“We will collect all the data we gather from these IoT and process them so we will have comprehensive information on where the plastics and garbage are coming from, how they are moving, among others. This would allow us to analyze and come up with recommendations on how to best clean up the river of this debris,” sabi pa niya.

“CypherOdin will also use drones to map the plastic using LIDAR (light detection and ranging) or lasers on a microscopic level. Communities living around the river or body of water will be encouraged to participate in the river or sea cleanup by giving them BOTcoin cryptocurrency,” dagdag ni Villafuerte.

Naniniwala siya na ang BOTcoin ay bahagi ng ecosystem at gamit ang blockchain applications ay makapagpapabago at magbibigay solus­yon sa pandaigdigang problema sa plastic waste at iba pang mga basura.

Sa darating na Agosto 14, ay sisimulan na rin ng CypherOdin Inc. ang coin offering (ICO) nito para sa private sale ng BOTcoin.

Iginiit ni Villafuerte na bukod sa pagkikipagtulungan nila sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para sa nilalayong maibalik sa dating ganda ang Pasig River, mayroong malaking parte na dapat gampananan ang lahat ng mga naninirahan sa iba’t ibang komunidad na dinadaanan ng ilog para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Kaya magsasagawa rin ang CypherOdin Inc. ng malawakang information drive sa mga residente ng bawat komunidad na ito para ituro ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura at kung papaano protektahan ang kapaligiran kung saan sila ay maaaring makatanggap ng insentibo gaya ng pagkakaroon ng BOTcoins.

“BOTcoin is the first digital currency which aims to create a world free of waste and restored to its pristine state. This would encourage the community also to respect the river because they will be earning something from it,” ani Villafuerte.   ROMMEL B.

Comments are closed.