BULACAN – HALOS magkakasabay na nakatanggap ng bomb threat ang Bulacan Polytechnic College (BPC) at mga satellite campus nito sa bayan ng Angat, Bocaue, Bulakan at siyudad ng Malolos.
Base report ng Special Weapons and Tactics (SWAT)/ Bomb Squad ng Philippine National Police, unang nakatanggap ng pagbabanta ang satelite campus sa Brgy, Matungao, Bulakan.
Ayon kay Gng. Leila Valero, 46 faculty member, alas-910 ng gabi nang makatanggap umano sya ng message na “goodluck sa inyong lahat, ipagwalang bahala niyo lang magugulat kayo diyan dahil sa pagsabog at sunog”.
Habang ang main campus ng BPC sa Malolos City ganap na alas-1:05 ng madaling -araw ng Enero 31 nang makatanggap ng message umano ang inatructor si John Harel Plama Marasigan, 29- anyos, na “we planted our bombs in all your campuses specially in your main campus, this is the first step of our plan to ruin your province.”
Sa kaparehong mensahe nakatanggap rin ng bomb threat ang bayan ng Angat, ayon kay sir Joel Reyes Campus Director,alas-9:30 ng umaga ng Enero 31.
Habang ang bayan ng Bocaue ay nakatanggap rin ng banta ng pagsabog sa kanilang Satelite Campus.
Ayon kay Gng. Marilyn Marques, 58 l-anyos, admin coordinator, ng nabanggit na eskuwelahan, mag aalas-9:40 ng umaga ng matanggap ang bomb threat.
Sa inisyal na report ni PNP Provincial director PCol Relly Arnedo, sadyang pananakot lamang ang ginawa ng nasa likod ng mensahe, gayunman magsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod nito. THONY ARCENAL