LOCALIZED PEACE TALK MAGPU-FULL BLAST

Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr

CAMP AGUINALDO – INIHAYAG ni  Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na posibleng lumawak pa ang localized peace talk kasunod ng  termination ng appointments ng mga miyembro ng negotiating panel na  magbibigay-daan sa  pagbuo ng localized peace panel.

Kasabay nito ang paglilinaw na ang ginawang pagbuwag sa Malacañang sa government peace panel ay hindi nangangahulugang hindi na interesado si Pangulong Rodrigo ­Duterte sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa hanay ng Communist Party of the ­Philippines at sa armadong galamay nito na New People’s Army (NPA).

Higit umanong pabor ito para sa kapakanan ng mga komunistang rebelde.

Ayon kay Galvez, ang mga miyembro ng localized peace panel na itatatag ay magmumula sa hanay ng local government units (LGUs), militar at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor. “GRP Panel to be reconstituted for holistic localized peace engagements,” ani Galvez

Paliwanag pa ng kalihim, ang komposisyon  ng bagong peace panel ay ibinase sa Colombian model na bubuuin ng mga kina-tawan mula sa iba’t ibang sectoral groups, local government units, bukod sa militar na mahalaga sa negosasyong pangkapayapaan.

“The discontinuance of the services of the members of the GRP panel is in line with the termination of peace talks with the NDFP (National Democratic Front Panel). But we will reconstitute the panel at a national scope in accordance with the whole-of-nation approach we are advocating to achieve inclusive and sustainable peace,” ani Galvez.

Nabatid pa na ma­ging ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines at Department of the Interior and Local Government ay pabor sa localized peace talk.

Paliwanag ni Galvez sa bawat lugar ay iba ibang ang pangangaila­ngan ng mga tao, iba’t iba rin ang dahi-lan kung bakit may mga nagrerebelde na mas mada­ling matugunan sa local ­level.  VERLIN RUIZ