LOCALIZED PEACE TALKS APRUB SA ISABELA

DY-ALBANO

ISANG panukala ang isinisulong ng  pamahalaang panlalawigan ng Isabela na pina­ngungunahan nina Isabela Go­vernor Faustino “Bojie’’ Dy, III at ni Vice Governor Antonio “TonyFet’’Albano, na localized peace talks sa mga CPP-NPA para sa kapakanan ng buong sambayanan ng lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Vice Gov. Albano na kung pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte sa localized peace talks ay maghahanda sila para makamit ang pangma­tagalagang pangkapayapaan sa lalawigan ng Isabela.

Kapag magtatagumpay aniya ang pag-uusap pangkapayapaan sa lokal na antas ay maaari na umanong wala nang magaganap na extortion, kidnapping, campaign fee na hinihingi ng mga rebeldeng komunis­ta lalo na at malapit na ang midterm elections.

Nagagamit din, aniya, ang NDFP sa mga illegal na aktibidad lalo na sa pa­ngingikil ng mga nagpapanggap na NPA na humihingi ng revolutionary tax.

Binigyang-diin ni Albano na kung magkakaroon ng kapayapaan sa lalawigan ay lalong gaganda ang kabuhayan ng mga tao.

Ang mga LGU ay gagamitin ang pagkakataon na ito para maisagawa ang serbisyo sa mga liblib na lugar na hindi nararating ng serbisyo ng pamahalaan dahil natatakot ang mga social worker na pumunta roon.

Sayang aniya ang buhay at ari-arian na nawawala dahil sa away sa ideyolohiya tulad ng mga nangyayaring encounter ng mga militar at mga kagawad ng pulisya.

Ayon kay Vice Gov. Albano, kung papayagan na ang localized peace talks ay makikipag-usap sila ni Gov. Bojie Dy sa mga rebelde sa lalawigan at tatanungin kung ano ang kailangan nila at ipakita sa kanila na tuloy-tuloy ang reporma ng pamahalaan.

Hinikayat niya ang mga rebelde na isuko ang kanilang mga armas at papalitan ito ng pamahalaang panlalawigan ng kabuhayan.

Bukod pa ito sa ­programa ng pambansang pamahalaan para sa mga rebel returnees, na kung maaari ay magbalik-loob na sila sa pamahalaan upang makamit na ang kapayapaan sa bansang Filipinas    IRENE V. GONZALES

Comments are closed.