POSIBLENG umabot pa hanggang sa Hunyo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga lugar na mayroon mataas na kaso ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson kaugnay sa napaulat na ang Japan at Filipinas ay nagsimula nang mag-testing ng Avigan isang gamot na ginawa ng Japan para labanan ang flu virus at para panggamot sa mga pasyente ng coronavirus.
Giit ni Lacson, ang sinasabing gamot ay medyo substantial ang resulta at makagagamot talaga ng COVID subalit sa Hunyo pa ito magaga-mit.
Kaya’t kung ito umano ang pagbabatayan, hindi alam ng senador kung paano maalis ang lockdown bago sumapit ang buwan ng Hunyo.
Paliwanag pa ni Lacson, sa ngayon ay wala pa ring massive testing na ginagawa at hindi pa malinaw ang ulat ng Department of Health (DOH) sa tamang bilang ng suspect, probable, confirmed na COVID patients.
Aniya, dapat magbigay ang DOH ng tamang datos kung may basehan sila ng sinasabing malapit nang ma-flatten ang curve ng virus at kung medyo kontrolado na ito.
Sa ngayon ay kulang umano ang impormasyon at misleading ang report na na nasa 7,000 pa lang ang positive dahil posibleng mas mataas pa ang numero nito. VICKY CERVALES
Comments are closed.