LOCKDOWN SA ISANG CHINESE CLINIC

Chinese Clinic

MAKATI CITY – DAHIL sa kabiguang magpakita ng business o mayor’s permit, ipinasara ng Makati City Local Government ang Chinese clinic na ilegal na nag-ooperate sa lungsod.

Ayon sa Business Permit and Licensing Office, nilabag ng klinika ang City Ordinance No. 2004-A-025.

Hinimok naman ng Makati City LGU at ng pulisya ang mga residente sa lungsod na maging mapagmatyag at agad iireport kung may mga establisimiyento sa kanilang lugar na ilegal ang operasyon.

Maaaring tumawag sa Makati City Police Station sa 887-1798 o sa 0929-793-6525. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.