LOISA ANDALIO MAY TRAUMA SA SALITANG ‘HIWALAY’

VERY emotional si Loisa Andalio sa guesting niya sa “Magandang Buhay” last reflectionMonday. Nag-guest si Loisa sa Kapamilya morning show para mag-promote ng first lead movie nila ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte with Donnie Pangilinan, ang “James, Pat & Dave” directed by Theodore Boborol.

Matindi pala ang pinagdaanan niya hindi lang sa relasyon niya with Ronnie kundi pati na sa pamilya niya. Miss na miss na raw niya ang pagsasama-sama nila ng mga magulang niya.

Akala niya kapag nag-artista siya, makatutulong siya ng malaki sa pamilya at mas magiging maganda ang relasyon nila. But instead, they were torn-apart from each other.

Kaya nga raw si Ronnie, hindi lang niya boyfriend, parang tatay na rin daw niya ‘to. Kasi nga, hindi na raw niya kasama sa bahay nila ang kanyang tatay.

“Naalala ko ‘yung muntik na siyang sumuko. Ang sakit e, ang hirap. Ayaw ko nang salitang hiwalay. Parang nangyari na sa akin sa magulang ko, ayoko na siyang mangyari sa akin. Parang nato-trauma na ako sa salitang hiwalay kaya kapag naririnig ko siya parang hindi ko kaya. Pero hindi mo naman mapipilit ‘yung tao kung hindi ka naman mahal,” pahayag ni Loisa.

Sinabi naman ni Ronnie sa “Magandang Buhay” na ilang beses din niyang tinangka na maki­pag-break kay Loisa. Dami raw kasi nila ‘di pinagka-kaintindihan.

“Maraming beses na akong gusto kong sumuko, pero naisip ko hindi ko pala talaga kayang wala siya. Sa mga naging girlfriend ko dati, lahat po may edad. Nung nakilala ko po si Loisa, the way na nag-uusap kami, sobrang parang ang dami pang kulang,” lahad ni Ronnie.

Dagdag pa niya, “Hindi ko sinasabing perfect ako, shinare ko lang sa kanya ‘yung experience ko dati. Tinulungan ko siya na maintindihan pa kung ano ‘yung paano ‘yung relasyon namin, kung paano ‘yung tatahakin namin, ‘yung mga pagsubok na pinagdaanan namin. Kaya sabi ko sa kanya, simula pa lang ito, marami pa tayong pagdadaanan.”

Sa mga sinabi ni Ronnie, napabilib sa kanya ang guest co-host that morning na si Dimples Romana. Pati kay Loisa, lalo siyang minahal ni Dimples.

(Bipolar with severe panic disorder) IWA MOTO INAMING MAY KONDISYON SA PAG-IISIP

MATAPANG na  ina­min ni Iwa Moto ang kondisyon ng kanyang pag-iisip sa kanyang social media account.

Binulgar ni Iwa sa kanyang Instagram account na siya’y na-diagnose na “bipolar with severe panic disorder.”

Inilahad din ng dating Kapuso star sa kanyang post ang pinagdaraanan niya because of her mental illness.

“It’s hard for me to wake up and sleep.. to control my emotions. To be as jolly as I used to be. And to be ME. But every day I fight my condition. I take my meds., and i put on a smile. I am surviving everyday.. having mental health issues is hard. Especially with the stigma.

“But its ok.. I have accepted it and I AM OK with it. I am learning to live with it, but at the same time doing my best not to be defined by my illness. I am striving to become a better version of me every day. I AM A WARRIOR,” end of her caption.

Marami naman ang naka-relate kai Iwa na netizens sa kanyang karamdaman at pinagdadaanan niya ngayon.

Isang netizen ang nag-comment ng ganito, “I can relate… I take meds also and i pray a lot. Pray that God will help the doctors give you the right meds and that the meds will be effective. God in His perfect time will help you. I am happy to say that after several years I feel great now. But I still take my meds. God bless you!”

May mga netizen din ang humanga kay Iwa at pinalakas ang kanyang loob, “Salute! Brave and stronger ever, may God bless you and may the light of the holy spirit be with you always.”