LOKAL NA COVID-19 TEST KIT MABIBILI SA ABRIL

Test kit

INAASAHANG maibebenta na sa merkado sa  Abril ang mga locally-developed COVID-19 test kits para mas marami ang maka-avail.

Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), na nasa 120,000 test kits ang ginawa ng The Manila HealthTek Inc. para sa programang ito.

Napag-alamang ang 94,000 ay ilalabas para maibenta sa publiko.

Nabatid na maaaring mabili ito sa P1,300, kung saan mas mura kumpara sa tig-P8,000 na ginagamit sa ngayon.

Magiging prayoridad mabigyan ng 26,000 testing kits ang mga ospital na tinukoy upang humawak ng COVID-19 patients na kinabibilangan ng Philippine General Hospital, Makati Medical Center, The Medical City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Baguio General Hospital. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.