BINIGYANG-DIIN ni House Committee on Constitutional Amendments chairman at AKO Bicol Parylist Rep. Alfredo Garbin Jr. na pangunahing makikinabang sa pag-amyenda sa ilang probisyon ng Saligang Batas sa larangan ng foreign investments sa bansa ang iba’t ibang lokalidad sa anyo ng makokolekta nilang dagdag na buwis at iba pa.
Ayon sa House panel chairman, malinaw sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang foreign direct investments (FDIs) ay nagpapasok ng malaking halaga ng kapital at nagpapalakas sa local economies.
Partikular na tinukoy ni Garbin ang pumasok na foreign investments sa Philippine manufacturing sector kung saan ang mga local government unit na pinagtatayuan ng mga bago at dagdag na negosyo ay tumaas ang nakolektang local taxes, gayundin ang pagbubukas ng oportunidad para sa kani-kanilang mga residente na magkaroon ng high quality jobs.
“This capital contributes to the local economy by paying taxes, so many taxes — business taxes, real property taxes, income taxes. It also brings advanced technology, management expertise, most importantly technology transfer, and it also significantly increases the much needed employment op-portunities sa ating mga kababayan,” sabi pa ng kongresista.
Ayon kay Garbin, base sa datos ng PSA sa pumasok na FDI, nakapagbigay ito ng 1.278 milyong trabaho sa manufacturing sector, na may annual per capita income na P294,000, kaya naman nagiging daan din ito para maibaba ang antas ng kahirapan sa bansa.
“Being open to foreign direct investment addresses not just economic growth, but it also addresses economic development,” sabi pa niya.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod na rin ng pagsalang sa plenaryo ng Kamara sa Resolution of Both Houses Number 2 (RBH 2), na pangunahing iniakda ni Speaker Lord Allan Velasco, na naglalayong maamyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa pagbubukas ng deliberasyon para sa RBH 2, tinalakay ang mga magiging benepisyo, gayundin ang posibleng negatibong epekto sa pagluluwag sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa iba’t ibang local business sectors ng bansa. ROMER R. BUTUYAN
758660 781656It was any exhilaration discovering your web site yesterday. I arrived here nowadays hunting new things. I was not necessarily frustrated. Your tips after new approaches on this thing have been helpful plus an superb assistance to personally. We appreciate you leaving out time to write out these items and then for revealing your thoughts. 499890
784244 464773Hoping to go into business venture world-wide-web Indicates revealing your products or services furthermore companies not only to ladies locally, but nevertheless , to a lot of prospective clients in which are online in most cases. e-wallet 583610
695415 848217An extremely fascinating read, I may not concur completely, but you do make some incredibly valid points. 863214