LOKAL NA PRODUKTO, KAKANIN AT IBA PA SA KAWIT EXPO

OneLoveOneKawit

MULING ipinakita ng mga mangangalakal sa Kawit, Cavite ang kanilang mga tampok na produkto tulad ng hinahanap-hanap na  “tapsilog,” iba’t ibang  klase ng mga kakanin (sticky rice cakes), o ang metal works mula sa mga panday na magagamit sa bahay o puwedeng pang-regalo sa Pasko, sa Kawit expo na gina­nap sa Liwasang Aguinaldo (Aguinaldo Shrine) sa Barangay Kaingen ng bayan ng Kawit noong nakaraang Nobyembre 23.

Ang apat na araw na expo, na tinawag na OneLoveOneKawit, na naghandog ng iba’t ibang klase ng gamit at leisure spots, food delicacies at marami pang iba ay inilunsad ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo kasama ang ibang local officials sa ribbon-cutting ceremony.

Sa isang panayam, sinabi ni Local Tourism Officer Rhouz Camposanto, na ang okasyon ay isa sa mga hakbang ng bayan para makilala ang ibang puwedeng maihandog, maliban sa mga hindi mabilang na heritage and historical sites, kasama ang iconic Aguinaldo Shrine na nagsilbing backdrop.

Nakatulong din ang okasyon para maitagu­yod ang mga produktong lokal sa isang malaki at malawak na merkado, at kanilang daan para magbigay ng pagkilala sa mga lokal na mga mamamayan na malaki ang naitutulong para sa pagpapanatili ng kanilang magandang ekonomiya.

Kasama sa exhibit ang Bisugo’s Puto Bumbong (Filipino purple rice cake steamed in bamboo tubes), Aling Baby’s Cassava and Rice Cake, Neng’s Special Bibingka (a type of baked rice cake), Hidden Tapsihan (beef tapa meal), Basag Ulo (fried spring roll), at Sagimis (manipis na hiniwang saging na may budbod na brown sugar, na inirolyo sa square shape na spring roll wrapper at prinito.)

May isa pang noodle dish na Henoy, Calandracas (popular na pagkain sa Cavite na niluto sa alinman sa manok, baboy o baka o ham at gulay, patatas at chickpeas, ti­nimplahan ng Patis Tanza), Chin-Chow (sago), Norma’s Suman, Nanding Pandayan (blacksmith), Asin (salt) ng Kawit, Water Camp (Josephine Resorts), Josephine’s Events Venue, Special Binatog (boiled white corn kernels) at Aguinaldo Merchandise.

Naghanda rin ang local government unit ng Kawit ng  kasayahan na nagtampok sa homegrown talents ng bayan para makapang-engganyo ng mga tao nang sila ay maaliw.     PNA

Comments are closed.