LOKAL NA TRANSMISYON NG DELTA VARIANT SA BANSA KUMPIRMADO NA

JOE_S_TAKE

NAUNA nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing na hindi mapipigilan ang pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga ipinatupad na travel ban ng Pilipinas sa mga bansang may naitalang mataas na kaso ng Delta variant ay hakbang lamang upang mabigyan ng karagdagang panahon ang pamahalaan na paghandaan ang napipintong pagpasok nito. Nito ngang ika-22 ng Hulyo ay kinumpirma na ng ahensiya ang pagkakaroon ng lokal na transmisyon ng naturang COVID-19 variant sa bansa.

Bagama’t mayroon nang naitalang mga kaso ng Delta variant sa bansa noong katapusan ng Hunyo, ito raw ay hindi nangangahulugan na mayroon nang lokal na transmisyon sa bansa. Ayon kay Health Epidemiology Bureau Dir. Alethea De Guzman, ang lokal na transmisyon ay ginagamit lamang kung may ebidensiya na ang isang lokal na kaso ay naipasa ang virus sa isa pang lokal na kaso. Kaugnay nito, iniulat ng DOH na may naitalang 12 na bagong lokal na kaso ng Delta variant sa bansa. Sa kasalukuyan, nasa 47 na ang bilang ng kaso ng Delta variant na naitala ng ahensiya. Sa kabuuang bilang na ito, walo ang nananatiling aktibo, at ang mga pasyente ay pawang wala pang bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Centers for Disease Control and Prevention (CDC) Director Dr. Rochelle Walensky sa isang briefing, ang Delta variant ay maituturing na isa sa mga pinaka-nakahahawang respiratory disease na nakita ng mga siyentipiko. Ito ay mabilis makahawa dahil ang isang indibidwal na may may Delta variant ng COVID-19 ay tinatayang may  1,000 beses na higit na mas mataas na viral load kung ikukumpara sa orihinal na uri nito. Sa madaling salita, ito ay mas agresibo kumpara sa ibang variant na nauna nang kumalat.

Ang Delta variant ay 60% na mas mabilis makahawa kumpara sa B.1.1.7 o ang UK variant na pinangalanang Alpha variant. Ito ay ayon sa World Health Organization (WHO). Ito ay unang kumalat sa bansang India noong Marso at Abril 2021 at nagtala ng higit na 400,000 na bilang ng nasawi. Kumalat na rin ito sa US. Matapos ang ilang buwan na tuloy-tuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa, muli itong tumataas dahil sa Delta variant. Tinatayang nasa 30,000 kada araw ang naitatalang bagong kaso ng US. 83% ng bagong kaso rito ay mula sa Delta variant.

Bagama’t mas mabilis makahawa ang Delta variant, walang ebidensiya o opisyal na datos na nagsasabing ito ay mas malala. Ayon sa CDC, ang mga indibidwal na walang bakuna ang pinakamabilis tamaan ng Delta variant. Sa US, kung saan halos kalahati na ng populasyon ang may bakuna, nakikita ang pagtaas sa mga lugar kung saan mababa ang antas ng nabakunahan.

Ang magandang balita ay epektibong pangontra sa Delta variant ng COVID-19 ang bakuna. Ngayong kumpirmado na ang pagkakaroon ng lokal na transmisyon ng nasabing variant sa ating bansa, dapat ay mas maging agresibo ang ating programang pagpapabakuna. Ito lamang ang tanging epektibong paraan upang makontrol at malabanan ang mas mapangahas na Delta variant.

Ayon sa OCTA Research, nagsisimula na ang pagtaas ng kaso sa Metro Manila. Hindi raw dapat ipagwalang-bahala ito dahil may posibilidad na ito ay resulta na ng pagkalat ng Delta variant. Ang average na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila mula July 15 hanggang July 21 ay nasa 813. Ito ay mas mataas kumpara sa average na bilang na naitala noong nakaraang linggo na nasa 638 lamang. Umaapela ang grupo sa pamahalaan at sa IATF na magpatupad na ng mas mahigpit na uri ng quarantine kaugnay ng kanilang napansing pagtaas sa antas ng bagong kaso kada araw sa Metro Manila.

Bagama’t  tuloy-tuloy ang programang pagpapabakuna sa bansa, nananatiling mababa ang antas ng bilang ng mga nabakunahan. Malayo pa sa target na 70 milyong indibidwal ang nababakunahan para makamit ang herd immunity sa bansa.

Ayon sa datos ng DOH noong ika-18 ng Hulyo, 15,096261 dosis ng bakuna na ang naipamahagi. Sa kabuuang bilang na ito, 10,388,188 ang naibahagi bilang unang dosis, habang 4,708,073 naman ang naipamahagi bilang ikalawang dosis. Tinatayang nasa 9.43% ng populasyon ang nakakuha na ng unang dosis ng bakuna, habang nasa 4.27% pa lamang ang nakakumpleto nito.

Nasa 350,000 hanggang 500,000 na dosis ng bakuna kada araw ang dapat maipamahagi upang makamit ang target na mabakunahan ang 70% ng populasyon bago matapos ang taon. Ayon sa datos noong ika-18 ng Hulyo, ang karaniwang bilang ng dosis na nai-pamamahagi kada araw ay nasa 271,426 lamang.

Kailangang balansehin ng pamahalaan ang paghahanda sa nagbabadyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Delta variant at ang muling pagbubukas ng ekonomiya. Kailangang matugunan ng pamahalaan ang isyu ng mababang antas ng pagpapabakuna sa bansa. Kailangan maging mas agresibo ang pamahalaan sa pamamahagi ng bakuna. Tayo naman bilang mamamayan, upang maging protektado laban sa Delta variant at sa iba pang uri ng COVID-19, makiisa tayo sa pamahalaan at magpabakuna. Hindi na sapat ang pagsusuot lamang ng face shield at face mask. Hindi rin sapat ang pagsunod sa social distancing. Tanging bakuna lamang ang epektibong pangontra sa mapangahas na sakit na ito. Hindi biro ang sitwasyon ng Indonesia at ng India dahil sa Delta variant. Huwag nating hayaang mangyari ito sa Pilipinas. Nariyan na ang bakuna, ano pa ang hinihintay mo?

70 thoughts on “LOKAL NA TRANSMISYON NG DELTA VARIANT SA BANSA KUMPIRMADO NA”

  1. I’ve been searching for hours on this topic and finally found your post. baccarat online, I have read your post and I am very impressed. We prefer your opinion and will visit this site frequently to refer to your opinion. When would you like to visit my site?

  2. 339621 797405Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the excellent info you may have right here on this post. I can be coming again to your weblog for more soon. 209418

  3. 570903 591981my grandmother is always into herbal stuffs and she always say that ayurvedic medicines are the most effective stuff 785047

Comments are closed.