(Lola 1, pa sugatan) PRUTASAN SA PALENGKE NASUNOG

market

BULACAN – SUGATAN ang dalawa katao kabilang ang isang lola nang masunog ang public market sa Sta. Maria kahapon ng umaga.

Sa report ni Fire Officer 1 Rizza Soria mula sa Bureau of Fire and Protection (BFP) Region III, pitong fruit stalls ang nasunog sa M. Poblacion Market.

Batay sa pagsisiyasat, nagtamo ng minor injuries sa likurang bahagi ng kanilang katawan sina Rosita Flores, 75-anyos, at Arnel Esteban, 53-anyos.

Ayon kay Soria, nagsimula ang sunog bandang 2:40 ng madaling-araw at idineklarang fire out dakong 3:21 ng madaling-araw.

Umabot ang sunog sa unang alarma.

Tinatayang P250,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa sunod.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog. AIMEE ANOC

Comments are closed.