LOLA, 1 PA TIMBOG SA P8.2-M SHABU

ILOILO- AABOT sa P8.2 milyong halaga ng shabu na nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng mga yunit ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency –Region 6 sa dalawang drug suspects kabilang ang isang lola at Barangay Buhang, Jaro sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga inaresto na sina alyas Madam Ester, 68-anyos at JR, 27-anyos; pawang residente ng Barangay Ungka sakop ng nasabing bayan.

Nakumpiska ng awtoridad sa dalawa ang shabu na may kabuuang halaga na P8,160,000.

Bukod sa droga ay narekober din sa kanilang posesyon ang cash na P1,720 na umano’y bahagi ng benta ng droga, cellphone na gamit sa transaksyon at motorsiklo.

Pansamantalang inihimpil ang dalawa sa Iloilo City Police Station 3 at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 O Dangerous Drugs Act.
EUNICE CELARIO