LOLA, 3 PA DINAKIP SA CREDIT CARD FRAUD | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
CREDIT CARD FRAUD

LOLA, 3 PA DINAKIP SA CREDIT CARD FRAUD

TAGUIG CITY-ISANG senior citizen na babae at tatlo pang kasabwat nito na hinihinalang mga miyembro ng sindikato sa credit card fraud at falsification of public documents ang dinakip sa magkakahiwalay na operasyon ng National Capi-tal Region Police Office (NCRPO) kamakalawa.

Kinilala ni NCRPO Region  Police Office chief Director Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Teresita Caranglan, 61; Czarynah Datu, 37; Paul Cabalza, 45; at Eduardo Nera Jr., 41.

Sa report na nakarating kay Eleazar, unang nadakip si Datu sa operasyon ng NCRPO dakong alas-9:00 ng umaga sa loob ng isang kilalang casino sa Pasay City.

Bago maganap ang pagkakaaresto kay Datu, nakatanggap ng reklamo ang NCRPO hinggil sa gawain ng suspek tulad ng credit card fraud.

Sa agarang pagsasagawa ng entrapment operation ng NCRPO ay nadakip si Datu na siya namang nagnguso sa kanyang mga kasabwat sa kanilang ilegal na gawain na nagdulot sa pagkakadakip sa kanila sa Brgy. West Triangle, Quezon City.

Sa pagkakaaresto sa mga suspek ay nakarekober ang NCRPO ng skimming device, Louis Vuitton booklet  na naglalaman ng iba’t ibang  card information at contact numbers  para sa kanilang mga susunod na bibiktimahin, credit cards at iba’t ibang uri ng IDs. MARIVIC FERNANDEZ

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS