CEBU- INARESTO ang walo katao kabilang na ang isang lola sa isinagawang drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang nabuwag na drug den sa Central Visayas, ayon sa report nitong Lunes.
Kinilala ni Leia Alviar Alcantara, PDEA-7 public affairs chief, ang nadakip sa unang nabuwag na drug den sa Barangay Duljo-Fatima nitong Linggo na sina Bebie Alya alias “Nanay”, 68-anyos, umano’y maintainer; Arnulfo Laresma, 56-anyos at Joy Labaya, 41-anyos.
Nasamsam ng PDEA sa mga suspek ang 19 na pakete ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 12 gramo na nagkakahalaga ng P81,900, buy-bust money at iba’t ibang sniffing paraphernalias.
Nitong Enero 6, nabuwag din ng mga ahente ng PDEA-7 ang isang drug den sa Barangay Mambaling at nasakote ang hinihinalang maintainer na si Rogelio Camilo Jr., alyas “Butchoy”, 46-anyos gayundin ang apat na hinihinalang mga kliyente na sina Christ Jay Abellanosa, 27-anyos; Juvelyn Tabalin, 30-anyos; Pacito Jorge Campos, 36-anyos, construction worker at Ramon Tabalin, 55-anyos.
Nakumpiska sa operasyon ang pitong pakete ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 10 gramo na nagkakahalaga ng P68,000, perang ginamit sa buy-bust at sniffing paraphernalias.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. EVELYN GARCIA