CEBU – PATAY na nang mailabas sa nasusunog na bahay ang isang 59-anyos na lola at ang kanyang dalawang menor na apo kahapon ng umaga sa Barangay Basak, Lapu-lapu City.
Unang na-suffocate ang mga biktima na dahilan ng kanilang kamatayan hanggang masunog.
Sinabi ng imbestigador ng Lapu-Lapu City Police Office at Bureau of Fire protection na hindi nakalabas ng kanilang ku-watrto ang biktimang sina Rosalinda Armalli, 59, at mga apo nitong may edad lamang na 7 at 15.
Agad na naapula ang sunog at walang ibang bahay na nadamay sa insidente.
Kasalukuyang nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng Lapu-Lapu City PNP Arson Unit. VERLIN RUIZ
Comments are closed.