(Lola na babakunahan sugatan din) TRICYCLE INARARO NG TRUCK, DRIVER PATAY

RIZAL -PATAY ang 22-anyos na tricycle driver at dalawa ang sugatan kabilang ang 67-anyos na lola na naka-schedule para sa unang vaccination nan0g araruhin ng killer truck noong Sabado ng umaga sa Antipolo City.

Kinilala ni Pat. Joseph Victorio, ang nasawi na si Charly Dave Dapapac, ng Sitio Tagbak habang sugatan naman sina Rosita Alsonado, ng Villa Consolation Subd., at Arnold Gravador, 26-anyos pahinante ng Lugawan Catmon, Sta., Maria, Bulacan.

Naaresto naman ang drayber ng truck na si Romeo Gacho, nasa hustong gulang at residente sa Alberto St., KM37, Pulong Buhangin, Sta. Maria Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 6:30 ng umaga nangyari ang aksidente sa Sitio Junction Antipolo City.

Aksidente umano na, nawalan ng preno ang 12 wheeler truck na minamaneho ng suspek na may plakang NEK-1079 na patungo sa pababang bahagi ng Provincial Road, sa lugar.

Inararo ng truck ang isang Isuzu Hi-Lander na may plakang WGC-634, isang motorsiklo at ang tricycle ng namatay na pasahero.

Nawasak din ang isang sari-sari store na pag-aari ni Rosalinda San Jose sa lugar.

Base sa imbestigasyon, nagkakape ang nasawing drayber ng tricycle ng mabundol ng truck na ikinamatay nito. Lumulitaw na nag-aantay naman ng masasskyan ang biktmang lola patungo sa Antipolo City proper para sa schedule ng vaccination ng mabangga ng truck. ELMA MORALES

96 thoughts on “(Lola na babakunahan sugatan din) TRICYCLE INARARO NG TRUCK, DRIVER PATAY”

  1. 842307 278051I genuinely enjoy your site, but Im having a issue: any time I load 1 of your post in Firefox, the center with the internet page is screwed up – which is bizarre. Might I send you a screenshot? In any event, keep up the superior function; I definitely like reading you. 750798

  2. 256139 70659Nice read, I just passed this onto a colleague who was performing some research on that. And he actually bought me lunch as I found it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 258256

Comments are closed.