LOLA, NAPURUHAN SA SUNOG

bala nasunog

ISABELA – NASAWI ang isang lola nang masunog ang kanilang bahay, habang ang asawa naman nito ay nagtamo ng second degree burn dahil sa pagkasunog ng balat dakong alas-9:30 ng gabi sa may Barangay Dammang East, Echague, ng nabanggit na lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Virginia Matterig, 71, na nasawi sa sunog dahil sa hindi ito nakalabas sa kanilang kuwarto habang tinutupok ang kanilang bahay dahil sa may kapansanan ito.

Habang ang asawa naman nito na si Villamor Matterig, 71, residente ng Barangay Dammang, Echague, Isabela, ay tinangkang pumasok sa kanilang bahay habang nasusunog ang ikalawang palapag upang iligtas ang asawa subalit pinigilan na siya ng kanyang mga kapitbahay, na nagtamo naman ng second degree dahilan upang dalhin sa kalapit na pagamutan.

Pinaniniwalaang electrical short circuit ang sanhi ng biglaang pagkatupok ng bahay ng mga Matterig.

Ayon kay SFO1 Reinier Cante, taga-siyasat ng BFP Echague, na nag-overheat ang naiwang nakasinding wall fan mula sa unang palapag ng bahay hanggang matupok ang pangalawang palapag dahil sa gawa ito sa kahoy.           IRENE GONZALES

Comments are closed.