CAVITE- Dead on the spot ang isang lola matapos magulungan ng fuel tanker truck sa Brgy. Tejeros Convention sa Rosario kahapon sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Lola Erma, 60- anyos, cigarette vendor at residente ng Brgy. Tejeros Convention.
Sa kuha ng CCTV mula sa barangay, nakitang tumawid ang lola upang bumili sana ng pagkain nang masagasaan ito at pumailalim sa truck.
Bagaman marahan lamang ang takbo ng truck ay nagulungan naman nito ang ulo ng matanda na agad nitong ikinamatay.
Ayon sa Rosario Municipal Police, kinilala ang driver ng truck na alyas Mik, 39-anyos.
Ayon sa suspek, hindi umano niya napansin ang matanda na tumawid dahil blindspot ito.
Kasalukuyan ng nakakulong ang suspek at nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide. SID SAMANIEGO