LOLA TIKLO SA P2.8-M SHABU

QUEZON- ARESTADO ng pinagsama-samang puwersa ng PDEU-QPPO, PIU-QPPO, PDEA 4A Quezon at Lucena CPS Intel/SDEU ang isang lola makaraang makumpiskaha ng P2.8 milyon halaga ng shabu kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Col. Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon PPO kinilala ang suspek na si Julieta Moreno Maruhom alyas JULIET, 63- anyos at residente ng Netherland Street University Site Village Brgy. Ibabang Dupay Lucena City, Quezon at tinaguriang High Value Individual (HVI).

Base naman sa report ni Lt Col Ruben Ballera, hepe ng Lucena PNP humigit kumulang sa 139 gramo ng shabu na may tinatayang DDB Value na P945, 200.00 at street value na P2,835,600. 00 ang nakumpiska mula sa posesyon ng suspek sa maganap ang operasyon ng mga pulis sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga ibidensiyang nakuha sa senior citizen ang isang libong boodle money kasama ang siyam na libong iba pa, sampung piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu,isang digital weighing scale, P1,600 na personal na pera ng suspek.

Kasalukuyang nakakulong si Maruhom sa Lucena Costudial Facility at sinampahan ng mga kasong Violation of Section 5 and 11 ng RA 9165. BONG RIVERA