LOLA UTAS SA AKSIDENTE

QUEZON-PATAY ang isang 87-anyos na lola matapos makasabitan ng isang 10 -wheeler cargo truck ang sinasakyang nitong kotse sa Maharlika Highway Brgy. Magsaysay, Atimonan.

Kinilala ang nasawi na si Nita Bella Sarmiento, taga Brgy San Lorenzo, Sta Elena, Camarines Norte.

Ayon sa report ng Atimonan PNP, magkasalubong ang dalawang sasakyan nang sumabit ang unahan ng kotseng Vios ng mga biktima sa hulihang kaliwang gulong ng truck dakong alas-12 ng tanghali.

Base sa imbestigasyon ng pulisya nasa linya ang truck na patungong direksyon ng Bicol nang mangyari ang aksidente.

Nawasak ang unahang bahagi ng kotse at tumilapon ang sasakyan sa harapan ng isang bahay sa gilid ng highway.

Nagtamo ng mga sugat ang driver ng kotse na si Ernesto Salome Sarmiento, 61-anyos at dalawa pang sakay nito na sina Sarmiento at Delia Fortes, 57-anyos, pawang residente ng Sta Elena, Camarines Norte.

Nagawang madala ang mga biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival so Sarmiento.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Atimonan PNP ang driver ng truck na si Orlando Salva Navacilla, 42- anyos, residente ng Lucena City upang harapin ang mga kasong isasampa dito. BONG RIVERA