NASAKOTE ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang lolo at bebot sa magkahiwalay na drug operasyon ng pulisya sa lungsod ng Navotas at Valenzuela.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang mga suspek na si Nestor Monteberde, Jr, alyas “Tong-it”, 25-anyos, Joseph Llanera, 36-anyos, at Marilyn Francisco, 23-anyos na pawang taga Northville Casarival, Bignay.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Carlito Nerit Jr., dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos ng buy-bust operation sa Northville 1 Casarival, Bignay.
Kaagad dinamba nina PCpl Christopher Quiao, PCpl Isagani Manait at PCpl Jhun Ahmard Arances ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, P600 bills, 2 cellphones at isang motorsiklo.
Sa Navotas, dakong 12:20 ng madaling araw nang maaresto naman ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni PLT Juanito Arabejo Jr. na nagsasagawa ng covert patrolling sa kahabaan ng Lacson St. Brgy. NBBN si Efren Dela Cruz, 63-anyos, residente sa lugar.
Narekober dito ang 12 plastic sachets na naglalaman ng 2.1 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,280 ang halaga. EVELYN GARCIA/ VICK TANES
Comments are closed.