DAVAO DEL SUR- ISANG lolo ang nasawi matapos tangayin ng baha bunsod ng pag-ulan dahil a bagyong Dante sa bayan ng Malalag.
Kinilala ng National Disaster Risk Reduction Management Council-Davao ang biktimang si Porperio Sabate Pilapil , 71-anyos, residente sa lugar.
Ayon sa Malalag Municipal Police Station, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang bisekleta nang tangayin ng baha.
Saulat ng PAGASA, noong Linggo ay lubog na sa baha dahil sa bagyo ang ilang bahagi ng Davao region maging ang ilang bayan ng Caraga Soccsksargen, Bukidnon, at Misamis Oriental.
Kahapon ay kinailangang suspendihin ang klase sa mga paaralan sa ilang bayan sa Davao de Oro dahil sa masamang panahong dala ng Bagyong Dante. VERLIN RUIZ
Comments are closed.