BICOL-DALAWANG lalaki na kapwa inakusahang ng panggagahasa ng mga menor de edad ang dinakip ng tauhan ng PNP-PRO5 sa isinagawang law enforcement operation sa Albay at Camarines Sur.
Batay sa ulat , pasok sa selda ang isang 80-anyos na lalaki matapos arestuhin sa Ligao City, Albay dahil sa umano’y panggagahasa ng isang trese anyos.
Sa isinumiteng report ng Albay Police Provincial Office kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel Estomo, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng korte noong Nobyembre 21, 2021 dahil sa 2 counts of rape laban sa suspek.
Nabatid na noong Setyembre 2020, nagtungo umano ang 13-anyos na biktima kasama ang kanyang ina sa Ligao City Police Station para isumbong ang umano’y panghahalay ng suspek na kapitbahay na may dalang patalim at pinasok sa loob ng bahay ang dalagita.
Samantala, dinakip din ang 580anyos na kagawad na inakusahan ng panggagahasa ng kanyang dalawang pamangkin sa Buji, Camarines Sur.
Ayon kay Major Melvin Alayan, hepe ng Buhi Muncipal Police Station, nahaharap sa kasong 4 counts of rape ang suspek matapos ang umano’y panghahalay sa 2 nitong pamangkin na magkapatid.
Nasa pangangalaga umano ng suspek ang mga biktima simula nang mamatay ang ina ng mga ito.
Walang inirekomendang piyansa ang piskalya sa kaso ng nabanggit na suspek. VERLIN RUIZ