LOLO NA HINDI NANINIWALA SA LOTTO, NANALO NG JACKPOT PRIZE NA P79M SA ULTRALOTTO 6/58

Sinulat ni: Jerwin P. Nohay / Larawan kuha ni: Arnold T. Ramos

“Dati di ako naniniwala sa lotto, basta taya lang ako ng taya pero totoo palang may nananalo ng jackpot dahil ito ay nangyari mismo sa akin” wika ng 69 anyos na lolo na mula sa Dulag, Leyte.

Hapon ng 22 Marso 2022, kasama ng kanyang anak, isang masuwerteng mananaya ng UltraLotto 6/58 ang nanalo ng jackpot na may premyong Php79,699,584.80. Ito ay kanyang kinubra sa opisina ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Ang mga tumamang numero ay 29-05-03-11-08-42. Ang masuwerteng ticket ay binili sa isa sa mga lotto outlets sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa kanya matagal na niyang alaga ang mga lumabas na numero ang lima dito ay mula sa mga kaarawan ng kanyang pamilya at ang numero naman na 42 ay edad niya kung kelan siya nagsimulang tumaya sa lotto.

Nabanggit din ng masuwerteng milyonaryo ang tungkol sa kanyang mga plano sa kanyang napanalunan at siya ay sobrang nagpapasalamat. “Salamat sa Diyos at More Power sa PCSO dahil marami kayong natutulungan. Ang pera na napanalunan ko ay para sa kinabukasan ng aking mga anak at mga apo” sabi ng matanda.

Batay sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang lahat ng panalo na higit sa halagang Php10,000.00 ay may 20% na buwis. Ayon naman sa batas (RA 1169) ang nanalong tiket ay pwede lamang kubrahin sa loob ng isang (1) taon mula sa petsa ng bola nito, pagtapos nito ay mawawalan na ito ng bisa.

Samantala, ang lahat ng lotto results at iba pang laro, produkto, serbisyo at programa ng PCSO ay makikita sa PCSO official website www.pcso.gov.ph, PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang PCSO GOV para sa YouTube.
Sinisigurado po ng PCSO sa lahat ng nanalo na ang kanilang personal na impormasyon ay mananatiling pribado para sa kanilang kaligtasan at seguridad.