MAYNILA – HINDI na kinaya ng isang lolong preso ang mala-sardinas na sitwasyon sa loob ng Manila City Jail (MCJ) matapos na manikip ang dibdib at mawalan ng malay sa Sta. Cruz, Manila.
Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC), ang biktimang si Ramon Guevarra, 58-anyos ng 962 Camba Ext. Tondo, Maynila.
Ayon kay PSInsp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9:32 ng umaga nang ma-greklamo ng paninikip at hirap sa paghinga ang biktima.
Kasunod nito ay nawalan na ito ng malay kaya kaagad na isinugod sa pagamutan nila JO1 Joemari Sheba, gayunman ay hindi na ito naisalba pa ng mga doktor. PAUL ROLDAN
Comments are closed.