MAYNILA – KALABOSO ang isang 69-anyos na lolo matapos ireklamo ng pamboboso sa isang babae sa pamamagitan ng pagkuha ng video sa Sampaloc, Manila.
Kinilala ni Police Col. Robert Domingo, hepe ng Manila Police District (MPD) Station 4, ang suspek na si Noe Nodalo na residente ng 157 B4 Manuel Dela Fuente Street, Sampaloc, Manila.
Sa reklamo ng isa sa biktima na hindi na binanggit pa ang pangalan, walong buwan na siyang nangungupahan sa paupahang bahay ni Nodalo.
Araw ng linggo aniya nang madiskubre ng bisita niyang lalaki ang nakalagay na hidden camera sa likod ng wall clock na nasa loob ng comfort room.
Dahil dito, ini-report ito ng biktima sa barangay na nakipag-ugnayan naman sa pulisya upang maaresto ang suspek.
Nabatid na may gamit na TV na may VHS player ang suspek kung saan napapanood niya ang mga kuha ng hidden camera na inilagay nito sa likod ng orasan.
Narekober din ang ilan pang VHS tapes na naglalaman ng mga kuha ng mga binosohan nitong tenant.
Batay sa napanood na video tapes, sinabi ni Police Corporal Maridel Sunga ng Sampaloc Women’s and Children’s desk na umabot sa 15 babae ang naging biktima ng suspek na pawang mga naliligo sa banyo. PAUL ROLDAN
Comments are closed.