MAKATI CITY – SUGATAN ang isang lolo matapos na ito ay mahagip ng isang tren kahapon ng umaga sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Macario Ylarde Ebreo, 68, at nakatira sa Hagonoy St., San Andres Bukid, Manila.
Si Ebreo ay kasalukuyang ginagamot sa Makati Medical Center buhat ng tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa kasalukuyan ay inaalaman pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng operator ng tren.
Ayon sa report ng Makati City Police, ang insidente ay naganap dakong 10:15 kahapon ng umaga sa panulukan ng Osmeña Highway at Buendia Avenue, Brgy. San Antonio Village.
Tumatawid ng riles ang biktima at hindi nito napansin ang dumarating na tren na galing ng Maynila at nahagip ito.
Nakatakas naman ang operator ng tren na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.