LOLO TIMBOG SA P1.8-M TAX CASES

NASAKOTE ng Pasig-PNP ang isang 61-anyos na lolo na wanted sa 18 kaso na may kinalaman sa pagbubuwis.

Kinilala ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang nadakip na si Rolando Manalang y Fabon, retirado at residente ng No. 102 Las Sargas, San Jose Residencia, Brgy., Balibago, Sta. Rosa, Laguna.

Nabatid na dakong alas-3:25 ng hapon nitong Martes nang dakpin ng mga awtoridad ang suspek sa Las Sargas, San Jose, Residencia sa Laguna.

Base sa dokumento ng pulisya, naglabas ng warrant of arrest laban sa suspek ang dalawang judges na sina Hon. Armin Noel B Villamonte, Presiding Judge ng RTC Branch-155 ng Binan City at Hon. Dennis Jusi Rafa, Presiding Judge ng RTC Branch-154 ng nabanggit na lungsod.

Sa record, ang suspek ay wanted sa 7 kaso ng Tax Reform Act of 1997 (Sec. 255 RA 8424), 3 Criminal Case at 8 kaso ng National Internal Revenue Code (Sec. 255) under criminal case Nos. 3547-B-3022, 3548-B-, 3549, 3550, 3551, 3552, 3553 at 3554 na may petsang Pebrero 9, 2022.

Nabatid na sa 18 kasong kinakaharap ng suspek ay pinagbabayad ito ng korte ng tig- P60, 000.00 bawat kaso na sa kabuuang ay aabot sa P1, 800,000.00.

Dahil dito, nagsanib-puwersa ang Station Detection Management Section para sa manhunt operation laban kay Manalang na ikinaaresto nito.

Pansamantalang nakapiit na ang suspek sa detention cell ng Pasig PNP. ELMA MORALES