LOLO TODAS SA KAWAD NG KURYENTE

CAMARINES NORTE – ISANG lolo ang nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito sa lalawigang ito.

Batay sa ulat ng Daet, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, ang nasawi ay isang 76-anyos na lolo makaraang masangkot sa vehicular accident.

Sinasabing tinamaan ng bumagsak na kawad ng kuryente ng internet ang kanyang sasakyan sa Bagabas road sa nasabing bayan.

Bukod sa nasawi, nasa 26,589 pamilya sa 25 barangay sa Daet, ang apektado ng kalamidad.

Samantala, makaraang mag-landfall ang Bagyong Pepito sa Panganiban, Ca­tanduanes nitong Sabado ng gabi, fair weather na sa nasabing lalawigan kasunod nang pagtawid naman sa Aurora kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Camille Giyanan, Information Officer ng Ca­tanduanes subalit inaming naitala ang power outage o kawalan ng supply ng kuryente at maging sa internet connectivity.

Habang nagsiuwi na rin ang 26,000 family na evacuees sa kanilang mga tahanan dahil maaaliwalas na ang panahon sa nasabing lalawigan.

EUNICE CELARIO