LOLO TUMIHAYA SA PAMPASAHERONG JEEP

jeep

NAVOTAS CITY – PATAY ang 63-anyos na lolo matapos mabangga ng pampasaherong jeep habang naglalakad kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Magin Icaonapo Villafuerte, ng 379 Brgy. NBBN matapos isugod ng kanyang mga kaanak.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng public utility jeep (TXE-377) na si Virgilio Palmares, 61, ng 062 Piscador St. Brgy. Bangkulasi.

Ayon kay Navotas police deputy chief for administration Supt. Ferdinand Balgoa, alas-6:25 ng umaga, naglalakad ang biktima sa tapat ng Global gas station sa M. Naval St. Brgy. NBBN nang mahagip ito ng pampasaherong jeep na nagmula sa gasolinahan at minamaneho ni Palmores.

Sa halip na tulu­ngan ang biktima, pinaharurot ng driver ang kanyang minamanehong saksakyan upang tumakas subalit, naaresto rin ito ng mga pulis sa kanyang bahay matapos maplakahan ng mga nak-asaksi. VICK TANES

Comments are closed.