LOMI P121

Dahil sabi nga ng NEDA, P64 per person per day lang ang badyet sa pagkain,  sinu­subukan po talaga naming gawan ng paraan. Challenging pero kaya naman. Heto po ang isa pang reci­pe para sa anim na miyembro ng pamilya na may food budget na P121 for six persons — ang ‘Lomi 121’.

Isang balot ng ng mixed veggies with fresh mini P20; 1 tokwa (P5); 1 pack instant noodles *P7); 1 egg (P8); 1 balot na kropek sitsaron (P6). Saka pala margarine (P10). Lahat-lahat, P49. Plus half-kilo ng bigas (P25); 6 pieces ng saging na saba (P15); 100 grams brown sugar (P10); at banana essence (P5).

Hindi po kasali sa lomi ang bigas, saging, asukal at banana essence, pero hindi po kasi kumpleto ang Filipino meal kung walang rice at dessert kaya Osama na rin natin kahit nagtitipid.

Unahin natin ang lomi.

Hatiin into small cubes ang tokwa at sangkutsahin sa margarine hanggang maging brown.  Set aside.

Pakulo ng 3 cups water at pag kumukulo na, ilagay ang fresh lomi. Hayaang kumulo pa ng limang minuto at pagkatapos ay ihulog ang mga gulay. Hayaang kumulo.

Kapag kumukulo na, ihulog ang instant noodles at ang kasamang condiments. Pakuluin uli. Ihulog ang pritong tokwa. Takpan at pakuluin uli. Ihulog ang itlog. Haluin para pantay ang dustribusyon ng itlog sa lomi. Patayin ang apoy.

Durugin ang kropek at ibudbod sa ibabaw ng lomi. Serve hot dahil hindi gaanong masarap pag malamig na.

Pwede na siyang kainin ng walang kanin, pero kulang nga ang Filipino meal kapag walang rice kaya masaing pa rin kayo.

At para hindi halatang poor, gawing dessert ang matamis na saging.

Lahat-lahat, ang nagastos ni nanay ay P104, may natipid na P19 na panghulog sa alkansya. Diskarte lang yan!

RLVN