MAHIGIT dalawang milyong residente ang nakararanas ng sintomas ng long COVID sa bansang Hong Kong.
Ito ay base na rin sa isinagawang pag -aaral ng mga researcher sa Chinese University.
Mayroong 6,994 respondents sa isinagawang research ng CUHK mula July hanggang October.
Ayon kay Professor Francis Chan Ka-leung dean ng CUHK medical faculty, 70 percent ng mga respondent ang nagsabing nakaranas sila ng isang persistent na sintomas ng long COVID.
Karaniwang tumatagal ng mahigit apat na linggo ang sintomas matapos silang maka-recover sa sakit.
Nasa 30 porsiyento ng mga respondent na nakatanggap ng dalawa hanggang tatlong doses ng bakuna ang nagsabing short-term lamang at mild ang naranasan nilang sintomas.
Layunin ng pag-aaral na mabigyan ng early treatment ang mga nakararanas ng long COVID upang maiwasan ding dumami ang mga pasyente sa ospital.
Noong Linggo, nakapagtala ng 5,564 na bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong. LIZA SORIANO