Hayahay ang bakasyon ng mga trabahador dahil apat na araw ang walang pasok, at lifted pa ang number coding kaya pwedeng mag-out of town.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang number coding sa Friday, August 23, bilang pag-alala sa Ninoy Aquino Day, na deklaradong special non-working day.
Suspendido rin ito sa August 26, Monday, dahil ito ay National Heroes’ Day, na isang regular holiday. Kataon namang walang number coding sa Sabado at Linggo.
Dapat sana ay nitong Miyerkules, August 21, ang Ninoy Aquino Day, pero kung dineklara ni Pres. Bongbong Marcos na ilipat ito ng Friday para magkaroon ng mahabang weekend, at mai-promote na rin ang domestic tourism,” bagay na ikinatuwa ng marami.
Maganda rin naman ang desisyon ng Malacañang na hindi galawin ang Ninoy Aquino Day kahit alam ng lahat na may hidwaan ang dalawang pamilya. Walang personalan. Well, ginalaw dahil inilipat, pero hindi inalis kahit pwede naman niyang alisin.
Hindi na rin naman nag-iingay ang mga Aquino, considering na may sakit si Kris Aquino at open pa sa reconciliation kahit noong active pa siya sa showbiz.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE