BULACAN- BAGAMAN may banta pa ng African Swine Fever sa ibang mga lugar, isasagawa pa rin ng unang distrito ng lalawigang ito ang pinakamahabang longganisa boodle fight sa bayan ng Calumpit.
Ayon kay Municipal Mayor Glorime “Lem” Faustino, ang dalawang araw na selebrasyon na magsisimula ngayong araw ay bahagi ng 451st founding day anniversary ng nabangit na bayan.
Aniya, tulong-tulong ang mga maliliit na negosyante at mga residente upang ma-isakatuparan ang kauna-unahang Calumpit Longganisa Festival dahil nananatiling ASF free ang kanilang lugar.
May temang “Isang Panlasa, Isang Pag-Asa Calumpitenyo” tampok dito ang ibat-ibang luto ng kanilang produkto na longganisa.
Nabatid na tatangkain nilang ma-break ang 400 at 300 meters na current record ng Guinobatan, Albay na may pinaka mahabang longganisa boodle fight noong 2017 at 2019.
Inaasahang magagawa nila ang 500-metro na longganisa boodle fight.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang culinary exhibition ng various Calumpit longganisa recipes ng kanilang mga local chefs at Longganisa Festival King and Queen 2023.
Susundan ito ng thanksgiving mass, street dance parade and competition; at “Gabi ng Pasasalamat” concert and fireworks display ng Marso 25.
THONY ARCENAL