LONGTERM PARKING BAWAL NA SA NAIA

parking

BAWAL  na ang magdamagan o mahabaang oras ng pagparada sa lahat ng pay-parking areas sa terminal 3 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula Disyembre 28 hanggang Enero 3.

Ayon sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito  ay dahil sa inaasahang mabigat na dami ng mga sasak­yang maghahatid-sundo ng mga pasahero ngayong holiday season.

Samantala, sinabi naman ng mga nanga­ngasiwa ng NAIA na maaari pa ring pumarada sa pay parking areas ngunit sa limitadong oras lamang.

Comments are closed.