IPINATUPAD ng Bureau of Immigration (BI) ang Lookout Bulletin Order (LBO) na inisyu ng Department of Justice (DOJ) laban kay Bamban Tarlac Mayor Alice Leah Guo, upang mabantayan ang mga galaw nito.
Bukod kay Mayor Guo, kasama din sa tatlong pahina ILBO ang isang nagngangalang Guo Hua Ping at labing pitong ibang personalidad.
Sa nasabing ILBO kasama rin pinado-double check sa Immigration Officers kung mayroon mga pending Arrest Warrant laban sa mga ito o may nilabag sa ilalim ng Saligang Batas at alamin ang mga kinaroroonan, upang mapigilan kung nagbabalak na umalis sa bansa.
Anila malaki ang posibilidad na tumakas ang mga ito dahil sa bigat ng kasong inihain laban sa kanila at hinihinala rin na maaring magsipagtago ang mga ito upang makaiwas sa kanilang mga pananagutan sa batas.
Nitong nakalipas na Hunyo 23 na–intercept ng mga tauhan ng Immigration sa Davao International Airport (DIA) ang isang nagngangalang Zhang Jie kasama sa ILBO bago makasakay sa kanyang flight papuntang Jinjiang,China.
Nagkunwaring unemployed, ngunit nagpresinta ng 9(g) commercial employment visa na sa ilalim ng immigration law, “foreign national who ceased employment from their petitioning company are required to surrender their ACR-I cards and down grade their visa.”
Agad na dinala si Zhang sa BI Detention Center Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at kasalukuyang sumasailalim ng imbestigasyon upang mabusisi ang estado ng kanyang visa. FROILAN MORALLOS