BAGUIO CITY- TUMANGGAP ng parangal sa katatapos na Philippine Military Academy Alumni Homecoming noong Sabado ang pitong retiradong militar na mayroong malaking ginampanan sa kasagsagan ng Covid19 pandemic at isang kasaluyang opisyal ng Philippine Coast Guard.
Tinanggap nina Defense Secretary Delfin Lorenza na miyembro ng PMA Class 1973 ang Cavalier Pandemic Heroes Award dahil sa pagganap nito bilang chairman ng National Task Force Against Covid-19.
Bukod kay Lorenzana, pinarangalan din sina dating Interior Secretary at ngayon ay National Security Adviser na si Ret. Gen. Eduardo Ano, PMA Class 1983, na gumanap bilang vice chairman ng NTF Covid; kasalukuyang Defense Secretary Carlito Galvez, PMA Class 1985 bilang Vaccine Czar.
Ginawaran din ng CPHA sina dating DENR Secretary Roy Cimatu, PMA Class 1970, miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease; Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PMA Class 1982, bilang Contrac Tracing Czar; dating DSWD Sec. Rolando Bautista, PMA Class 1985, IATF member; dating DICT Secretary Gringo Honasan, PMA Class 1967, IATF member at PCG Vice Admiral Ralando Punzalan Jr. PMA Class 1992 dahil sa kontribusyon nito bilang PCG Task Force Bayanihan for the Repatriation of OFWs.
Nanguna naman sa paggawad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inasistehan ni Lt. Gen. Rowen Tolentino, superintendent ng PMA.
EUNICE CELARIO