Pag-usapan natin ang mga habits ng taong nagbabalak magbawas ng timbang – yung mga pesky little behaviors na nagiging dahilan to make or break your weight loss journey.
Mula sa hindi pinag-isipang pagmimiryenda hanggang sa emotional eating at sa nakalimutang workouts, may mga habits tayong wawasak sa ating pagsisikap at magiging dahilan upang hindi natin makamit ang ating nais.
Pero huwag matakot, dahil may mga gabay upang malusutan ang proseso at maka-develop ng good habits tungo sa iyong nais — ang magbawas ng timbang.
Kung ikaw ay isang habit hacker, pag-aralan mo ang iyong daily routines. Kumuha ng ballpen at papel, at isulat kung ano sa palagay mo ang hadlang sa pagbabawas ng timbang. Pwedeng behavior. Yung pag may nakita kang pagkain, hindi ka makatiis na hindi dadampot kahit isang piraso lang. Yung nanghihinayang ka sa natira sa hapag kaya uubusin mo — kesa ilagay sa refrigerator at makalimutan na. Yung dapat, nagdyi-gym ka, pero mas nauubos ang oras mo sa paglalaro ng ML sa cellphone. Tama ba?
Tuklasin ang kapangyarihan ng small, sustainable changes, mula sa kung ano ang kakainin mo, hanggang sa pagkakaroon ng regular exercise at practicing mindful eating — meaning, isipin muna kung ano ang ipapasok sa bibig.
Kapag magawa mo ito, magkakaroon ka na ng healthy life, magiging masaya ka pa dahil nagkaroon ka ng determinasyon sa pagkakaroon ng self-discipline, dahil alam mo nang ang tunay na tagumpay ng pagpapababa ng timbang ay nakasalalay sa mga nakaugalian mong gawin araw-araw. At ang hamon ko sa’yo ngayon — simulan mo na!
JAYZL VILLAFANIA NEBRE