LOTLOT DE LEON NATAGPUAN NA ANG PANGARAP NA LALAKI

Lotlot

MASAYANG –masaya si Lotlot de Leon dahil natagpuan na niya ang hotshotslalakeng matagal  nang idinadalangin at pinapa­ngarap. Sa birthday greeting nga ni Lotlot sa kanyang husband na si Fadi El Soury sa Instagram post nito ng iba`t ibang larawan nila na magkasama ay isa-isang pinuri ng actress ang katangian ng asawa.

Sinabi ni Lotlot sa caption kung gaano siya sinusuportahan ng kanyang husband sa kanyang trabaho at lahat ng kanyang ginagawa  na may kinalaman sa kanyang showbiz career.

Bukod daw sa pagiging sweet ng husband ay maalalahin din ito at laging inuuna ang kanyang nararamdaman. Lagi raw nitong inaa­lam ang kanyang kalagayan para alamin kung okey ito at walang problema.

Magaling din sa timing ang mister ni Lotlot kung kailan siya dapat kausapin sa mga bagay na nais nitong ipaintindi sa kanya. Bukod sa pagmamahal sa kanya ng mister ay minahal din ang kanyang mga anak.

Mahal din nito ang kanyang pamilya sa ibang bansa at sinabing nami-miss nito ang mga ito. Ang iba pang sinabi sa caption ni Lotlot, si Fadi ang lalaking ipinagdasal niya sa Diyos kaya ganoon na lang ang kanyang pasasalamat kay Lord na si Fadi ang ibinigay sa kanya.

Samantalang all-out support din ang ipinagkakaloob ni Lotlot sa kanyang mga anak lalo na kay Janine Gutierrez na balitang may napupusuan na ngayon.

Ang dalangin lang ni Lotlot kay Janine ay mag-concentrate muna sa showbiz career bago seryosohin ang tawag ng pag-ibig. Dapat daw samantalahin ng anak ang blessing na dumarating.

Ayaw ni Lotlot mang­yari sa anak ang maaga niyang pag-aasawa at dalangin na kung sinuman ang lalaking mamahalin ng kanyang mga anak ay suklian din ng wagas na pagmamahal.

Dream come true sa member ng GirlTrends group na nagsasayaw sa It`s Showtime na si Chienna Filomeno ang maging guest sa TV show ni Kuya Boy na Tonight With Boy Abunda last Wednesday.

Mainit na tinanggap ni Kuya Boy si Chienna sa kanyang programa at unang tinanong sa kanya ng tweet ng isang fan na kung ano ang sikreto nito sa kanyang sexy figure.

Sagot naman ng member ng GirlTrends na may issue ibinabato na depende raw ito sa kinakain at mahalin ang sarili dahil maggo-glow ka talaga kapag minahal  ang sarili. Payo pa ni Chienna na dapat isiping matangkad ka na parang 5`11” ang height kapag pumo-pose.

Naikuwento rin niya kay Kuya Boy na ipina­nganak siya sa Japan at nagpunta sila ng Pinas nu`ng 2 years old pa lang siya. Na­ging emosyonal si Chienna nang ikuwento na nawalan ng trabaho ang kanyang ama kaya siya nag-showbiz.

Tinanong din siya ni Kuya Boy kung may nakagalit siya sa mga kapwa GirlTrends. Ang sagot niya ay legit at lie dahil may nagsumbong daw sa kanya na sinasabi raw sa kanya sina Dawn at Erin kapag wala siya sa It`s Showtime.

Kesyo kinumpronta raw ni Chienna ang dalawang kasamahan sa GirlTrends pero  wala siyang nakuhang sagot.

Hindi naman nagpaligoy-ligoy pa si Chienna na aminin na retokada ang kanyang ilong.

“There`s  nothing wrong in enchancing in something that you have. It`s  a choice, it`s  your  own choice as long na wala kang, natatapakang ibang tao, go with it,” paliwanag ng actress.

Sa isyung ipinupukol sa kanya na pinagkakakitaan daw niya ang kanyang katawan na kaagad niyang pinagdiinan na walang katotohanan. Makailang beses  na raw niyang naririnig ang paratang na siya raw ay isang bayarang babae. At makailan ulit na rin niyang sinabi na walang katotohanan ang paratang sa kanya.