MAGARBONG noche buena ang hatid ng PCSO para sa manlalaro ng Superlotto 6/49 na taga-Quezon City na nakakuha ng jackpot prize na P15,840,000.00 na binola noong ika-16 ng Disyembre, 2018, Linggo, alas-9 ng gabi.
Ang nanalo ng jackpot prize ayon kay General Manager Alexander F. Balutan ay ang ticket na may kombinasyong numero na 25, 26, 21, 28, 12 at 22 ay nabili sa lotto outlet na matatagpuan sa Brgy. Damayan, San Francisco Del Monte, Quezon City.
Ang Superlotto 6/49 ay nilalaro at mapapanood na live tuwing Martes, Huwebes at Linggo, alas-9 ng gabi sa PTV 4.
Kasama sa mga nag-uwi ng premyo ay 33 manlalaro na nakakuha ng 5 tamang numero na nagwagi ng tig P20,210.00 bawat isa, samantalang 1,454 manlalaro naman ang nakakuha ng 4 na tamang numero at nanalo ng tig-P360.00 at 21,328 naman ang nanalo ng tig 20 pesos.
Buong pusong pasasalamat ang hatid ng PCSO sa milyon-milyong tagasubaybay at manlalaro ng lotto at iba pang produkto nito sa buong kapuluan. Sa patuloy na suporta ng publiko sa mga produkto ng PCSO, maisasakatuparan nito ang makapagbibigay tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng KAWANGGAWA para sa lahat ng mga Filipino na nangangailangan.
Para sa iba pang impormasyon hinggil sa mga produkto ng PCSO, magsadya sa opisyal na website ng PCSO www.pcso.gov.ph at opisyal na PCSO FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube PCSO GOV. “ISULONG IBAYONG PAGTULONG.”