LOTTO DRAW KANSELADO

PCSO

KANSELADO na ang lotto draw ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) araw ng Linggo hanggang ngayon, Nobyembre 2.

Ito ay bunsod ng nararanasang masamang lagay ng panahon dala ng Bagyong Rolly.

Sa abiso ng PCSO, kabilang sa mga kanselado ang bola ng lotto games para sa alas-2, alas-5 ng hapon at alas-9 ng gabi ng Linggo at Lunes.

Ayon sa PCSO, magbabalik ang lotto draw sa Martes, Nobyembre  3 habang tuloy pa rin ang bentahan ng tiket at pagkuha ng premyo sa mga lugar na hindi apektado ng bagyo.

Comments are closed.