LOTTO, STL EMPLOYEES ‘NGANGA’

LOTTO CLOSE

LIBO-LIBONG empleyado ng lotto at STL ang wala na ngayong trabaho makaraang ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng gaming operations, licenses at franchises ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa talamak na korupsiyon.

Epektibo kahapon ay sarado na ang lahat ng mga lotto outlet, gayundin ang operasyon ng STL at Peryahan ng Bayan.

Inanunsiyo ito ng Chief Executive sa pamamagitan ng isang video sa  Presidential Communications Operations Office (PCOO) ­Facebook page noong ­Biyernes ng gabi.

“I have today ordered the closure the stoppage of all gaming schemes of whatever nature, however done that got their franchises to do so from the PCSO. The ground is massive corruption involving all,” wika ni ­Pangulong Duterte.

“All PCSO-granted franchises and licenses have also been terminated as of this order,” aniya.

“It becomes illegal because as of today all of those permits and concessions or whatever are terminated,” dagdag pa ng Pangulo.

Inatasan din ni Duterte ang militar at pulisya na arestuhin ang sinumang lalabag sa kanyang kautusan.

Bilang tugon ay agad na inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang lahat ng Police Regional Offices sa buong bansa na mag­lunsad ng massive crackdown laban sa illegal gambling at hulihin ang sinumang magpapatuloy sa ilegal na gawain.

“We encourage the public to report to the police any suspected illegal gambling activity in their communities,” ayon sa PNP.

Mismong si ­Albayalde ang nag-ikot sa Baguio City upang masiguro na ang lahat ng PCSO-accredited Lotto, Keno at STL outlets sa lugar ay tumigil na sa operasyon.

“Those businesses that continue to operate in connection with the franchises, licenses, concessions granted by the PCSO are hereby warned to cease and desist from engaging business, following the provisions stipulated in their franchises or face consequences under existing laws,” sabi pa ng PNP.

Nagbanta rin si Duterte na hindi niya kikilalanin ang anumang court order na magpapahinto sa kanya sa pagpapasara sa operasyon ng naturang games.

“As of today I will not honor any any order from any court stopping us or enjoining us to stop our desire to go into a massive investigation for the massive corruption that is existing in the PCSO,” anang Pangulo.

Nangako naman ang mga opisyal ng PCSO na susunod sa kautusan ng Pangulo at inabisuhan ang stakeholders hinggil sa pagsasara ng mga outlet.

“To our valued customers, please be advised that our PCSO games are suspended pursuant to the directive of President Rodrigo Roa Duterte. All players with advanced play tickets are advised to keep their tickets until further notice,” pahayag ni recently appointed PCSO General Manager Royina Garma sa isang video message.

Gayunman ay binigyang-diin niya na aapela ang PCSO sa Pangulo para sa pagpapatuloy ng games para sa kapakanan ng PCSO, ng agents at mga benepisyaryo nito.

Ang PCSO ay nilikha noong 1954 upang lumikom ng pondo para sa health programs, medical assistance at services, at government charities mula sa sweepstakes races, lotteries, at iba pang katulad na aktibidad. Nasa ilalim ito ng Office of the President.

Kaugnay nito ay sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na 60 percent ng PCSO revenues ay napupunta sa korupsiyon.

“All players, all participants of the gaming corporations are involved, including even court [that] issues injunctions in favor of these operations,” ani Panelo.

Aniya, isasapubliko ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga perso­nalidad na nasa likod ng malawakang katiwalian sa charity agency.

“The Chief Executive will identify the culprits in due time and the full force of the law will come crushing down on them. This hydra-headed corruption will be cut off until it reproduces no more,” sabi pa ni Panelo.

“It appears that there is a grand conspiracy among the major players and enforcers of these govern-ment-sanctioned gaming activities and enterprises to cheat the government of its rightful shares, depriving therefore the masses of our people of receiving basic services needed by them,” dagdag pa niya.

Comments are closed.