LOVE SCAMMERS NAMAMAYAGPAG PA RIN

PINAG-IINGAT ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko sa bagong modus ng love scammers kung saan ginagamit ang pangalan ng ahensiyan upang makapangulimbat ng malaking halaga mula sa mga biktima.

Makaraang makarating sa pamunuan ang reklamo ng isang Pilipina tungkol sa kanyang American partner na pinagbabayad ng P40,000 bilang penalty sa pagdadala ng foreign currency na sumobra sa legal amount na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

At sinundan pa ito ng reklamo ng isang Pilipina tungkol sa pagkaaresto ng kanyang Korean partner sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) dahil sa hindi pagbabayad ng US$350 bilang penalty.

Ayon sa isang immigration opisyal, ang kanilang opisina walang pakialam sa mga incoming foreign currency o kaya sa mga luggage ng incoming passengers sa airport. FROILAN MORALLOS