LOVELY RIVERO LUMABAS ANG GOOD SINGING VOICE SA MUSICAL PLAY

LOVELY RIVERO

NAGKASAMA  sina Lovely Ri­vero at Ced Torrecareon sa Ang Probinsyano teleserye ni Coco Martin kungshowbiz salamin kaya naging magaan ang loob nila sa isa’t isa.

So ang feeling namin ay si Ced ang gumawa ng paraan para makasama si Lovely sa cast ng The Lost Sheep na isang musical play about the life of Jesus Christ at Mama Mary na ipalalabas sa Star Theater CCP Complex sa Oktubre 27, 2018 at 4pm sa matinee show at 7pm naman  sa evening show the same day.

Gaganap si Ced bilang si Jesus Christ at si Lovely naman ay bilang si Mama Mary.

Natanong ni yours truly itong si Ced kung during rehearsals nila sa The Lost Sheep ay naramdaman ba niyang sumanib sa kanya ang espiritu ni Lord God Jesus Christ?

“Two years ago ay in­o­ffer sa akin ang musical play na ito. Nu’ng time na yon, I was feeling down and so depressed dahil kamamatay lang ng Mama ko.

“Nu’ng  time na ‘yon, buhay pa si Ka Alfie (Alfie Lo­renzo SLN) at tinanong ko siya kung tatanggapin ko ba ito. Tapos ang sagot niya ay tanggapin ko na raw.

“Nagpasalamat naman ako dahil sa tinanggap ko ang musical play na ito ay naramdaman ko tuloy na nagkaroon ako ng bagong pamilya sa Manila Act Productions sa pangu­nguna ng producer na si Lee Ann Larazro Achaval at Direk Jon B. Achaval and the rest of the staff.

“At talagang ‘yung time na ‘yon na very depressed nga ako at nu’ng ginagawa ko na ang role ni Lord God Jesus Christ naramdaman ko na sumanib ang espiritu niya sa akin kaya naging magaan ang pakiramdam ko at na-feel ko na talagang I was guided by him. At hindi lang sa akin kundi pati sa lahat ng mga kasama ko dito sa Lost Sheep,” ang mahabang sagot kay yours truly ni Ced.

Si Lovely naman ay nagsabi na hindi niya first time gumanap na Mama Mary dito sa The Lost Sheep kundi pangatlong beses na raw niyang ginampanan ang role bilang Ina nang ating Panginoong HesusKristo.

Pero rito sa The Lost Sheep daw ay very different sa dalawang nauna dahil kailangan niyang kumanta sa nasabing musical play.

And take note, may good singing voice pala ang isang Lovely Rivero, ha!

Ang kanilang target audience is the general public with emphasis in schools and religious organizations at ang kanilang beneficiary is Gawad Kalinga.

And take note, klinarify ni Direk Jon Achaval na ang The Lost Sheep ay hindi pang-Lenten Season kundi isang live musical play showcasing some of the miracles and parables of our Lord God Jesus Christ as a medium to refute arguments now afflicting Christians about the existence of God.

Amen!

Comments are closed.